Ang Alegorya ng Yungib
ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A.
Enrijo)
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong
ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating
kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan
patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata,
at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila
makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan,
sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at
mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang
pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga
puppet.
Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga
taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga
monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa
kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang
kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko, na
ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila
makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang
kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat
lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi
sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy
ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
At sa higit pang pagpapalagay
na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila
natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may
ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang
katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak.
Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang
mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una,
kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at
tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang
magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang
kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang.
Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay
guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita
niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon
niya?
O kaya’y, maaari mong isipin na ang
kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi
ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na
kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya
sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin
nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siya’y
magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang
mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.
At kung ipinalalagay pang muli na
siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang
sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan
at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay
maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa
kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang
paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga anino,
kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay sa tubig, at ang
mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin,
at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa
gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng
kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig
kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man,
at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo
na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong
nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay
masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang
makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung
maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang mga
kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa
pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa
pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna sa
pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung
sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang
palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O
kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran
ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na
alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa
isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay
pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa
kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at
kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga
bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin
ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang – alang
sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin)
hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at
pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang
isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at
gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at
dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya,
ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating
katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw.
Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay
maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa
mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging
tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan
ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang
may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at
tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan
ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o
pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may
matibay na tuon para sa mga bagay na ito.
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat
may kakayahan akong maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa
iba na may magandang pananaw na ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan
ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali lamang kung saan
sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad, kung
ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na
nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo
sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal?
Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa
kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa
anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang
katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang
kaniyang tugon.
Sinuman ang may wastong
pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o
nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo
sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay
masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa
ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula
kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang
maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man
niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag,
mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at
bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.
BATAY SA TABLE: Ang Alegorya ng Yungib
Bahagi ng akdang binasa |
Pinapaksa
sa bahagi na napili sa akdang binasa |
Kaugnayan
ng larawan sa napiling bahagi |
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay
mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa
dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag.
Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing
hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao
ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula
kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang
maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man
niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag,
mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at
bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib. |
Ang paksang tinatalakay ay tungkol sa pag-aaral na magising sa
realidad ng mundo at kung paano makakatulong ang edukasyon. Ang katibayan ay
magkakaroon ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang kanyang
repleksyon sa tubig, at magagawa niyang pagnilayan kung sino siya. maihahambing
sa kasalukuyang pananaw, dahil karamihan sa mga tao ay bulag sa katotohanan
at madaling maniwala sa impormasyon sa mga social network nang hindi alam
kung ito ay totoo o hindi. Dagdag pa rito, may mga mag-aaral sa edukasyon na
kuntento lamang sa itinuturo ng guro sa silid-aralan at hindi ganap na
nagboboluntaryo o nagsasaliksik ng mga malalim na talakayan sa paksa. |
Kaugnay ng larawan na ito ay ang paguugali ng isang tao kung saan
ito ay idinidikta ng isang hanay ng mga panlabas at panloob na mga
kadahilanan, na naiimpluwensyahan ng parehong nakapaligid na komunidad at ang
tao mismo. |
No comments:
Post a Comment