Tuesday, 5 April 2022

BISWAL NA PANTULONG

Ano ang ibig sabihin ng Grap?
    -Diagram na kumakatawan sa impormasyon o datos na nakuha.
-Madaling paraan upang maunawaan at bigyang-kahulugan ang impormasyon. Gumagamit ng mga simbolo ng tsart.

Iba't Ibang Uri ng Grap

  1. Line Graph (Talangguhit)
-Ginagamit ito upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng data sa iba't ibang panahon o kaganapan.

2. Bar Graph
-Ito ay ginagamit upang ihambing o ipakita ang direksyon ng pagsukat. Ipakita ang kahalagahan ng mga ideya o ihambing ang mga kaugnay na ideya.
    
3. Pie Graph
-Ang paggamit ng mga pie chart ay madalas ginagamit. Nagbibigay ito ng visual na konsepto na bilog na naglalaman ng (100 porsyento).
    
4. Picture Graph o Pictograph
-Ito ay binalangkas ang mga larawan.

Narito ang mga Halimbawa

Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral

                    Talahanayan Bilang 1 Kasarian ng mga Kalahok / Impormants

Kasarian

Bilang

Babae

45

Lalake

45




        Intepretasyon

            -Pinapakita sa Pie chart ang bilang ng kasarian ng mga kalahok. Ang Kulay asul ay ang sumisimbolo sa kasarian ng Lalake na may bilang na 45 habang ang Pula ay para naman sa mga babae na may bilang din na 45. Ang Lalake at Babae ay parehong may bilang na 45.

Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina

Mga Disiplina

%

Math

68.543

Science

69.301

English

67. 612

Filipino

70.346

Araling Panlipunan

71.981

Edukasyon sa Pagpapakatao

74.745

Mapeh

77.788

TLE

73.245



    



        Intepretasyon
                
            -Pinapakita sa Line Graph ang kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok/impormants sa bawat Disiplina. Pinapakita sa Graph na ito kung saan nag eeksel ang kalahok sa pagkatuto. Meron walong (8) Disiplina ; Math, Science, Eglish, Filipino, Araling Panlipunan,Edukasyon sa Pagpapakatao, MAPEH, at TLE. Ang Pinakamataas na porsyento ng pagkatuto ay ang MAPEH na 77.888 at ang may pinaka mababang pagkatuto ay ang English na 67.612.       Kung susuriin ang Graph makikitang ang mga kalahok ay lubos na nahihirapan tatlong Disiplina una na ang English 67.612, Math 68.543, at Science 69.301. Sa Kabilang banda ang mga kalahok ay makikitang mas nag eeksel sa Disiplina ng MAPEH na mayroong 77.888 na porsyento.


Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants

Mga salik na nakakaapekto sa Pag-aaral

Mean

1. Kakulangan sa Gadget/s

4.57

2. Kahinaan ng Internet Connection

4.01

3. Kawalan ng Internet Connection

4.59

4. Kakulangan ng Sapat na Gabay sa Pag-aaral

4.55

5. Impluwensya ng Iba’t ibang Gawaing Pantahanan

4.19

6. Kakulangan sa Pinansyal na Suporta

4.45

            7. Hindi nakatapos ng Pag-aaral ang mga Magulang /                         Tagapangalaga

3.47

8. Kakulangan ng Suporta ng Gobyerno

3.02

9. Pagkakaroon ng Malubhang Sakit

1.54

10. Kawalan ng Interes sa Pag-aaral

3.89

11. Kakulangan ng Sapat na Oras sa Pag-aaral

4.47

12. Nagtatrabaho

3.56

13. Kakulangan ng mga Impormasyong nakalahad sa Modyul

4.58




        Intepretasyon

            -Pinapakita sa chart ang mga iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pag aaral ng mga kalahok. Kasama sa mga salik na ito ang kakulangan sa pinansyal na suporta, nagtatrabaho, kakulangan ng suporta ng gobyerno atbp.

Base sa graph, makikitang ang kawalan ng internet connection ang nangungunang salik na nakakaapekto sa pag aaral ng mga kalahok na may mean na 4.59. Pumapangalawa dito ang ang kakulangan sa impormasyon sa mga modyul na may mean na 4.58 na sinusundan naman ng kakulangan sa gadget na may mean na 4.57. Hindi naman nalalayo ang mean ng mga sumunod na salik mula sa mga naunang nabanggit. Nasa pinakahuli ang pagkakaroon ng malubhang sakit na may mean na 1.54. Mataas ang Kakulangan sa Gadyets sa markang 4.57 sapagkat hindi lahat ng mag aaral ay may kakayahang mag ka meron nito dahil sa kawalan ng trabaho ngayong pandemya at hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang. Ipinapakita din sa graph na ito na hindi lahat ng mag aaral ay may kakayahang mag ka meron ng gadget/s at ang iba naman ay hindi kayang humabol sa pinag aaralan na may kailangan ng gabay ng isang guro at magulang.

Konklusyon

Batay sa lahat ng graph na nagawa, ipinapakita dito ang lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya. Masusuri ang kaibahan ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng kalahok sa iba’t ibang disiplina. Ang MAPEH na mayroong pinakamataas na porsyento ng pagkatuto (77.888) at ang English na may pinakamababang porsyento ng pagkatuto (67. 612) Makikita rin sa mga graph na ito kung anu-ano ang mga bagay na nakakaapekto sa pagkakatuto ng mga kalahok. Ayon naman sa datos bilang 3, ang pinakananungunang salik na nakakaapekto sa pagaaral ng kalahok ay ang kakulangan ng internet connection na may mean na 4.59 at ang pinakahuli ay ang pagkakaroon ng malubhang sakit na may mean na 1.54. Ipinapakita dito ang mga kakulangan sa pinansyal na suporta sa mga magaaral.

No comments:

Post a Comment

TEKSTONG PROSIJURAL

                                                       IBA’T IBANG URI NG WASTE   Lean- Itinuturo nito sa atin na tanggapin ang mga nominal...